-- Advertisements --

Mananatili pa rin ang dedikasyon ng US sa Pilipinas.

Ito mismo ang binigyang tugon ni US Embassy Chargé d’Affaires John Law kasabay ng pagdiriwang ng 75th anibersaryo ng diplomatic ties ng dalawang bansa.

Sinabi nito na kahit anumang dumaang bagyo, giyera at pandemiya ay hindi matitibag ang relasyon ng US at Pilipinas.

Magiging pangmatagalan aniya ang pagkakaibigan ng Pilipinas at US na hindi mag-iiwanan.

Iginiit din ni Law na mayroong pinirmahan na security alliance mula pa noong 1964 sa Treaty of Manila at ang 1951 Mutual Defense Treaty ang dalawang bansa.