-- Advertisements --
Mas pinaigting ang pagsusulong ng ceasefire sa pagitan ng Israel at Hezbollah.
Naghihintay lamang ang US sa kasagutan ng Lebanon government tungkol sa draft deal na kanilang ginawa.
Ang naganap na airstrike noong nakaraang linggo na ikinasawi ng maraming mga Lebanese ay siyang magbibigay ng pressure sa Hezbollah at Lebanese government na tanggapin na ang kasunduan.
Magugunitang nanguna ang US, Egypt at Qatar na nagsusulong ng tigil putukan laban sa Israel.