-- Advertisements --
Mas paiigtingin ng US ang kanilang COVID-19 testing bilang pagtugon sa tumataas na kaso ng Omicron coronavirus variant.
Sinabi ni Dr. Anthony Fauci, ang US pandemic advisor, na nagiging problema ngayon ang kakulagan ng testing
Sa mga susunod na araw aniya ay gagawa na sila ng paraan para matugunan ang nasabing problema.
Mula pa kasi noong nakaraang mga linggo ay tumaas bigla ang kaso ng COVID-19 matapos maging dominant variant ang Omicron.
Nagtala rin ang US ng 175,000 na bagong kaso sa loob ng isang araw.
Maraming flights na rin ang nakansela sa US dahil sa patuloy na paglobo ng bilang ng mga kaso ng Omicron.