-- Advertisements --

Magpapatuloy ang operasyon ng mga otoridad sa US sa pagpapalayas ng mga iligal migrants.

Ayon sa Immigration and Customs Enforcement (ICE) na pinaigting nila ang pag-aresto sa mga immigrants na mga lungsod kabilang na ang Chicago, Atlanta, Los Angeles at Austin, Texas.

Magpapatuloy ang kanilang pag-aresto dalawa o tatlong beses sa isang linggo.

Tiniyak naman ni Defense Secretary Pete Hegseth na magbibigay sila ng anumang tulong para proteksyon ng southern border ng US.

Nagdagdag naman ng 400 na mga miyembro ng Texas National Guard na magbabantay sa US-Mexico border.

Mayroong dalawang ahensiya ang tumutulong sa US Immigration officials sa mga raids nila at tiniyak nila na sila ay naka-uniporme ng tama para mabilis na makilala.