-- Advertisements --

Nagpahayag ng kaniyang pag-aalala si US Secretary of State Mike Pompeo para sa North Korea na posible umanong makaranas nang pagkagutom dulot ng coronavirus outbreak.

Ayon sa US official, matagal na raw na hindi nagpaparamdam si North Korean leader Kim Jong Un kasunod ang mga reports tungkol sa kaniyang kalagayan.

Huling nagpakita sa publiko ang 36-anyos na pinuno ng North Korea noong April 12.

“We haven’t seen him. We don’t have any information to report today, we’re watching it closely,” saad ni Pompeo.

Nangangamba umano si Pompeo na makararanas ng kakulangan sa pagkain ang naturang bansa. Binabantayan din aniya ng Estados Unidos ang paksa hinggil sa denuclearisation ng North Korea.

Taong 1990 nang maranasan ng nasabing bansa ang matinding pagkagutom na naging dahilan para mamatay ang libo-libong mamamayan nito.