Panibagong halos 60,000 ang dinapuan ng COVID-19 sa Estados Unidos ang naidagdag sa patuloy pa ring paglobo ng mga nahahawa sa virus.
Liban sa 59,494 new coronavirus cases nasa 985 din ang mga namatay sa nakalipas na 24 oras batay na rin sa pagtala ng Johns Hopkins University.
Sa ngayon ang US nationwide totals ay umakyat pa sa 7,916,100 kabilang na rito ang 216,872 deaths.
Ang naturang data ay mula sa 50 estado kasama na ang District of Columbia at mga US territories.
Sa India, itinuturing pa rin ng kanilang gobyerno na bumaba na ang mahigit 67,000 na mga bagong kaso ang naitala mula pa noong buwan ng Agosto.
Ito na umano ang ikaapat na sunod na araw na ang tinaguriang world’s second-most populous country ay nagposte ng mas mababa sa 70,000 na mga bagong coronavirus cases.
Ang India na itinuturing na matinding tinamaan ng pandemic ay meron nang 7.3 million cases kung saan ang 812,390 ay kinokonsiderang active cases.
Mahigit naman sa 111,000 ang death toll bunsod ng deadly virus.
Sa ngayon ang US pa rin ang nangunguna sa buong mundo na sinusundan ng India at pangatlo ang Brazil.