-- Advertisements --

Nag-alok ang US ng $20 milyon na pabuya sinumang makakapagbigay ng impormasyon para tuluyang maaresto ang isang Iranian na nagtatangkang i-assasinate si dating US President Donald Trump at dating National Security Advisor John Bolton.

Si Shahram Poursafi na miyembro ng Islamic Revoltuion Guard Corps (IRGC) ay inakusahan na nagbayad ng mga kriminals parapatayin si Bolton na kilalang kritiko ng Iran sa halagang $300,000.

Inanunsiyo ang reward matapos na pulungin ng US Intelligence si Trump tungkol sa Iranian assassination plot laban sa kaniya.

Una ng itinanggi ng Iran na may balak silang patayin si Trump o makialam sa mga kaganapan sa US.