-- Advertisements --

Inanunsiyo ng US na kanilang itinaas sa $20 milyon ang reward money sa impormasyon para agad na maaresto si Venezuelan President Nicolas Maduro.

Isinagawa ang anunsiy sa araw kung saan nanumpa sa kaniyang ikatlong termino si Maduro.

Kaparehas din na halaga ang ibibigay ng US sa pagkaaresto kay Interior Minister Diosdado Cabello habang mayroong $15-M na reward para sa pagkakaaresto kay Defense Minister Vladimir Padrino.

Naglabas din ng sanctions ang United Kingdom sa 15 pangunahing opisyal ng Venezuela kabilang ang mga judges at miyembro ng security forces at military officials.

Maraming mga bansa kasi ang naniniwala na dinaya ni Maduro ang halalan noong Hulyo ng nakaraang taon kaya ito nanalo.

Inaakusahan din ng US ang Venezuela na sila ang ang nagdadala ng mga droga sa kanila para sirain ang kalusugan ng Americans.