-- Advertisements --
Magpapatupad ng bagong international travel policy ang US.
Magiging epektibo ito sa darating na Nobyembre 2.
Base sa bagong panuntunan sa aprubado ni US President Joe Biden na lahat ng mga foreign air traveler say kailangang magpakita ng vaccination documentation.
Dapat ang mga airlines ay kumpirmahin na ang last dose ng mga pasahero ay dalawang linggong mas maaga bago ang biyahe at ang bakuna ay dapat yung aprubado ng World Health Organization at US Food and Drugs Administration.
Magpapakita pa rin ang mga travelers ng kanilang negative COVID-19 test results.
Sakop ng bagong travel restrictions ang lahat ng mga US citizens, lawful permanent residents (LPRs) at mga foreign nationals.