-- Advertisements --

May inoorganisa na ang US State Department na chartered flights para sa mga mamamayan nilang nasa Lebanon.

Sinabi ni State Department spokesperson Matthew Miller, na mayroon ng mahigit 100 na katao na kinabibilangan ng mga Americans at mga pamilya nila ang pauwi na mula Beirut patungong Istanbul.

Hindi bababa sa 7,000 na mgqa katao na ang nagparehistro sa State Department para makalikas sa palabas ng Lebanon.

Maaaring magbago pa rin ang mga ito sa susunod na mga pagkakataon.