-- Advertisements --
Nakatakdang ianunsyo ng US ang dagdag na $2.3 bilyon na military aid sa Ukraine.
Ayon kay US Secretary of Defense Lloyd Austin na ang nasabing halaga ay pambili ng bagong air defense interceptors, anti-tank weapons at ilang mga bala para sa Ukraine.
Ang nasabing halaga aniya ay mula sa ilalim ng Presidential Drawdown Authority (PDA) na naglalayong ibigay ng US ang mga equipment nito sa Ukraine.
Magugunitang pumalo na sa mahigit $61 bilyon ang mga tulong na military ng US sa Ukraine mula ng lusubin sila ng Russia ng mahigit dalawang taon.