Inaprubahan ni US President Joe Biden ang pagpondo ng $200 milyon na halaga ng military support para sa Ukraine.
Dahil dito ay aabot na sa $1.2 bilyon ang naibigay na ng US sa Ukraine mula pa noong 2021.
Ang nasabing pondo na inilaan ni Biden sa pamamagitan ng Foreign Assistance Act ay maaaring gamitin sa pagbili ng mga armas at defence materials mula sa US Defense department stock.
Kasama rin dito ang military education at training para matulungan ang mga taga-Ukraine.
Bukod pa sa tulong sa anti-armour, anti-aircraft systems at small arms.
Ang hakbang ay kasunod ng inaprubahan ng US Congress ang $1.3 bilyon na halaga ng emergency aid para sa Ukraine.
Nagamit na kasi ng mga sundalo ng Ukraine ang mga anti-tank launchers at anti-aircraft missiles na ibinigay ng US at mga kaalyadong bansa nito.