-- Advertisements --

Ibinahagi ng US Department of Defense ang mga nilalaman ng dagdag na $275 milyon na military funding sa Ukriane.

Ang nasabing halaga ay bahagi ng military assistance na iniutos ni US President Joe Biden noon pang buwan ng Setyembre.

Ito aniya ang pang-70 na tranche na mga military equipment na ibibigay ng US sa Ukraine mula pa noong Agosto 2021.

Ang panibagong package ay kinabibilangan ng bala para sa High Mobility Artillery Rocket Systems (HIMARS), Artillery ammunitions, mortar rounds, unmanned Aerial System o drones, Tube-launched, Optically tracked, Wire-guided (TOW) missiles, Anti-armor systems, Small arms and ammunition, Demolitions equipment and munitions,
Chemical, biological, radiological and nuclear protective equipment at Spare parts, ancillary equipment, services, training at transportation.

Una rito ay pinayagan na ni Biden ang Ukraine na gamitin ang missiles na kanilang ibinigay laban sa Russia.