-- Advertisements --

Magbibigay ang US ng dagdag na $350 milyon na panibagong military aid sa Ukraine.

Kabilang na dito ang mga bala para sa mga Himars rocket launchers at Bradley armored fighting vehicles.

Sinabi ni Secretary of State Antony Blinken na hindi sila titigil sa pagsuporta sa Ukraine hanggang hindi humihinto ang Russia sa pag-atake nito sa Ukraine.

Ang nasabing tulong ay matapos na aprubahan ng US Congress ang pondo na kinabibilangan ng mga bala sa howitzers, anti-tank weapons at Harm missiles na target ang mga electronic transmissions.

-- Advertisement --