-- Advertisements --

Inanunsiyo ng US ang dagdag na $375 milyon na aid package para sa Ukraine.

Ayon sa White House na ito ay bilang pagpapakita ng walang humpay na suporta nila sa Ukraine para tuluyang labanan ang pananakop ng Russia.

Ang nasabing aid package ay kinabibilangan ng mga dagdag na artillery, air defense, anti-tank missiles at mga kritikal weapons at equipment.

Magugunitang nanguna si US President Joe Biden at ilang mga world leaders na dumalo sa United Nations General Assembly ng suporta kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky.