-- Advertisements --

Dumating na sa Kyiv, Ukraine si US Defense Secretary Lloyd Austin.

Nakapulong nito si Ukrainian President Volodymyr Zelensky at Defense Minister Rustem Umerov kung saan tinalakay nila ang ilang mga dagdag na armas laban sa Russia.

Kasabay din nito ay inanunsiyo ni Austin ang $400 million na military aid package sa Ukraine.

Magugunitang makailang ulit na humingi ng tulong si Zelensky sa US para tuluyang talunin ang Russia.