-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng White House na umabot na sa mahigit 400 milyon doses ng COVID-19 vaccine ang kanilang naipamahagi sa iba’t-ibang bansa.

Ayon kay White House Covid-19 response coordinator Jeff Zients mayroon pang dagdag na 3.2 milyon doses ng Pfizer vaccines ang kanilang ibinigay sa Bangladesh at 4.7-M doses naman sa Pakistan.

Idinadaan nila ito sa COVAX facility ang global vaccine sharing program katuwan ang World Health Organization.

Dagdag pa ni Zients na ang US ang siyang may pinakamaraming bakuna na naidonasyon kumpara sa ibang bansa.

Magugunitang noong nakaraang taon ay inanunsiyo ni US President Joe Biden sa United Nationsl General Assembly na bumili sila ng karagdagang 500-M doses ng Pfizer vaccines na ipapamahagi sa ibang bansa at karagdagan 800-M sa Setyembre.