-- Advertisements --

Inilagay ng US sa heightened alert ang nasa 8,500 na sundalo nila para sa posibleng deployement sa Eastern Europe.

Kasunod ito sa pagdami ng mga sundalo ng Russia sa border nila ng Ukraine.

Sinabi ni US Secretary of Defense Lloyd Austin na nakahanda na ang deploy orders ng nasabing mga sundalo sa naging kautusan na rin ni President Joe Biden.

Ayon naman kay Pentagon spokesman John Kirby na ang karamihan sa nasabing mga sundalo ay inilagay sa heightened alert ay para mapalakas response force ng NATO.