Inilatag ni US President Joe Biden ang mga bagong proposal para matapos na ang kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas sa Gaza.
Sa kaniyang talumpati sa White House, mayroong tatlong bahagi ito na ang unang ay magsisimula sa anim na linggong ceasefire kung saan sa nasabing panahon ay dapat umatras na ang Israel Defense Forces mula sa Gaza.
Dapat rin na palayain ng Hamas ang kanilang bihag habang makabalik na ang mga Palestinong sibilyan sa kanilang mga bahay sa Gaza kasabay din ng pagbuhos ng mga humanitarian assistance na aabot sa 600 trucks ang papasok sa kada araw.
Sa ikalawang yugto ng proposal ay ang pagpapalaya ng mga natitirang mga bihag kabilang ang mga sundalo at ang full withdrawl ng mga Israeli forces sa Gaza at ang pag-upgrade para sa tuluyang paghinto ng kaguluhan sa Gaza.
Sa huling yugto ng ceasefire deal ay ang huling bahagi ng pagpapalaya sa mga bihag sa Gaza at ang major reconstruction plan sa Gaza kung saan mangunguna ang US at ibang mga bansa na tutulong sa pagtatayo ng mga bahay, pagamutan at paaralan na nasira dahil sa kaguluhan.