-- Advertisements --
Nakatakdang maglunsad ang US ng bagong programa para malabanan ang anumang ransomware attack sa isasagawa nilang 2020 presidential elections.
Ayon sa Cybersecurity Infrastructure Security Agency (CISA), isang division ng Homeland Security Department, posibleng atakehin sila ng nasabing ransomware isang uri ng computer virus na nakapasok na sa Texas, Baltimore at Atlanta.
Sinabi naman ni Christopher Krebs, CISA director, na gumagawa na sila katuwang ang election officials at ilang private sectors para maprotektahan ang database at agad na makapagresponde sa posibleng ransomware attacks.
Modus ng nasabing atake ay papasukin ang computer system at kanila lamang ibabalik ang ninakaw na system kapag nakapagbayad na ng pera ang may-ari nito.