-- Advertisements --

Magpapadala ang US ng dagdag na 20 milyon doses ng COVID-19 vaccine sa ibang mga bansa.

Ayon kay White House Press Secretary Jen Psaki na aabot na sa kabuuang 80 milyon doses ng bakuna ang kanilang ibibigay sa ibang mga bansa.

Ang nasabing hakbang ay isinagawa matapos ang panawagan ng ilang mga bansa na tulungan sila na bigyan ng bakuna laban sa COVID-19.

Hindi naman nito binanggit kung anong mga bansa ang magiging prayoridad sa pagbibigay ng nasabing mga bakuna.