ILOILO CITY – Hindi kumbinsido ang medical community ng Estados Unidos sa “Sputnik V” vaccine ng Russia.
Ayon kay Bombo International Correspondent Dr. Eleazar Comprendio direkta sa Florida, United States, lima hanggang 10 taon tumatagal ang paggawa ng bakuna.
Hindi din aniya na-isapubliko ng Russia ang resulta ng Phase 1 at Phase 2 ng clinical trial ng Sputnik V at nagulat na lamang ang mga doktor sa Estados Unidos na nasa Phase 3 na ang nasabing bakuna.
Ikinababahala ngayon ng medical community ng Estados Unidos na walang may ipakitang dokumento o data ang Russia sa ginawang clinical trials dahil posible pa umanong lumala ang virus kung hindi maganda ang pag-develop ng bakuna.
Ang inaasahan ngayon ng mga doktor sa Estados Unidos ay ang bakuna ng Moderna na nagsimula na sa Phase 3 noong Hulyo 27.