-- Advertisements --
Walang plano ang gobyerno ng Pilipinas na tanggalin ang Typhon US mid-range missile system na nakalagay sa northern Luzon.
Sinabi ni National Security Adviser Secretary at National Security Council Director General Eduardo Año, walang makakapagsabi kung hanggang kailan mananatili ang nasabing mga missile system sa bansa.
Mahalaga aniya ito para sa training purpose ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ang nasabing pagtanggal aniya ay nangangailangan ng konsultasyon sa pagitan ng US at Pilipinas na napapaloob sa Mutual Defense Board – Security Engagement Board (MDB-SEB).
Magugunitang nabahala ang Minstry of Foreign Affairs ng China at nanawagan ito na dapat tanggalin na ang nasabing mga mid-range missile system ng US.