-- Advertisements --

Temporaryo munang sinuspendi ng US Air Force Office ang pagpapalipad ng kanilang C-17.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang US Air Force Office of Special Investigations kaugnay sa bangkay ng tao na nakita sa gulong ng aircraft na mula sa Kabul international airport.

Nadiskubre ang mga bangkay nang lumapag na ang military plane sa Al Udeid Air Base sa Qatar.

Nagpasya raw ang mga crew ng cargo plane na mag-take off dahil sa lumalalang sitwasyon ng seguridad sa paliparan matapos daang-daang mga Afghans ang lumabag sa perimeter at napalibutan ang C-17.

Kung maalala, ang video ng mga Afghans na tumatakbo kasama ang eroplano ay naging viral, pati na rin ang video ng paglitaw upang ipakita ang mga sibilyan ng Afghanistan na nahuhulog mula sa gilid ng eroplano sa gitna ng hangin matapos na desperadong subukang hawakan.

Kasalukuyan ngayon na naka-impound ang cargo plane upang suriin kung may mga bangkay pa sa nasabing aircraft bago muling ibiyahe. (with reports from Bombo Everly Rico)