-- Advertisements --

Naglunsad ng strikes ang United States military sa dalawang lokasyon sa Syria na tumatarget sa 9 na personalidad na mayroon umanong kaugnayan sa Iranian Groups na umatake sa mga military personnels ng Amerika.

Sa isang pahayag ay sinabi ng US na ang kanilang isinagawang strikes ay para mapabagal ang mga maaaring plano ng mga Iranian backed groups na umatake sa US at ilang mga coalition forces.

Nagpadala naman ng halos nasa 900 na mga military personnels ang US sa Syria para mag-assist sa mga tropang kasalukuyang nagsasagawa ng mga operasyon kontra sa mga Islamic state militants.

Samantala, matatandaan naman na nag-umpisa ang giyera sa pagitan ng Hamas at Israel noong Oktubre 7 at kasalukuyan pa ring nagpapatuloy.