-- Advertisements --

Humingi ng tulong sa publiko ang US military para mahanap ang nawawala nilang F-35 fighter jets.

Ang $80-milyon na halaga na fighter jets ay nawawala mula pa nitong Linggo ng hapon matapos na mag-eject ang piloto sa South Carolina.

Nasa pagamutan pa rin ang hindi na pinangalanang piloto.

HIndi pa ring malaman kung ano ang tunay na nangyari sa pagbagsak ng eroplano.

Patuloy ang paghahanap ng mga opisyal sa nasabing F-35B Lightning II jet na maaring bumagsak sa dalawang lawa sa Charleston City.