-- Advertisements --
image 265

Posibleng bumalik ang US military sa Subic Bay tatlong dekada makalipas iwanan ang minsan ay pinakamalaking military base nito sa Asia bunsod na rin ng mga pangamba kaugnay sa umiigting na maritime assertiveness ng China.

Ito ay kasunod na rin ng negosasyon sa pagitan ng Amerika at Pilipinas kaugnay sa pagtatayo ng US military facilities at preposition ng mga armas sa lima pang mga lugar sa bansa sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement.

Sinabi ni Subic Bay Metropolitan Authority chairman Rolen Paulino, na tila malayo na hindi gawing EDCA site ang Subic bay dahil noong panahon aniya ng giyera ay mahalaga ang naging papel nito na nasa kontrol nito sa loob ng halos 94 taon.

Ginawa ng SBMA chairman ang naturang pahayag kasabay ng pagmarka ng ika-30 founding anniversary ng SBMA.

Saad pa ni Paulino na ang EDCA na nilagdaan noong 2014 ay tila magpapatuloy pa ng lagpas sa 10 taong period base sa pagpapahayag ng panibagong interes ng Amerika sa pagtatag ng bagong bases sa Pilipinas at panibagong pagbibigay ng pondo para sa pag-upgrade ng mga existing EDCA sites sa bansa.

Matatandaan na ang dating US Naval Base sa Subic Bay na nakaharap sa West Philippine Sea ay naging isa ng pantalan na nagbigay naman ng oportunidad ng trabaho sa 150,000 locals doon.