Nakatakdang ibalik sa Estados Unidos ang missile system na unang dinala sa Pilipinas noong buwan ng Abril, 2024 para sa Balikatan joint military exercises.
Sa isang panayam, kinumpirma ni Army Spox, Col. Louie Dema-ala na ibabalik na sa US ang Typhon Weapon System nito. Ang naturang missile system ay may kakayahang magpalipad ng SM-6 anti-aircraft missiles na may operational range na 240 km, at Tomahawk Land Attack Missiles na may operational rangena 2,500km.
Ang naturang missile system ay posibleng ibalik na sa US pagsapit ng Setyembre, 2024.
Maalalang ilang bansa ang bumatikos sa ginawa ng US na pagdeploy ng naturang missile system sa Pilipinas, kabilang na ang China at Russia.
Sa naunang pagpupulong nina Chinese Defence Minister Dong Jun at US Defense Minister Lloyd Austin noong May 2024, inihayag ng Chinese minister ang pagtutol sa deployment nito sa kadahilanang banta ito sa katatagan at kapayapaan sa rehiyon.
Una ring ibinunyag ni Russian President Vladimir Putin ang pagdedeploy ng naturang missile system sa bahagi ng Denmark, bago pa man ang pagdadala sa Pilipinas.