-- Advertisements --

Nag-deactivate na ng kaniyang Twitter account ang American model na si Gigi Hadid.

Kasunod ito sa pag-takeover ng bilyonaryong si Elon Musk sa nasabing social media platform.

Sa kaniyang social media sinabi nito na ang dahilan ng pag-deactivate niya ay dahil sa hindi niya nagustuhan ang pagtanggal ni Musk ng ilang libong empleyado ng Twitter.

Dahil sa aniya sa pamumuno ni Musk ay dumami ang nagkakaroon ng pagkainis at pagkabagot sa nasabing kumpanya.

Humingi rin si Hadid sa kaniyang mga fans at alam niya na ito ang tamang paraan para siya ay magdeactivate.