-- Advertisements --

Patay ang legendary motocross racer na si Marty Smith at asawa nitong si Nancy matapos maaksidente sa dune buggy sa California.

Base sa imbestigasyon lulan ng buggy ang 63-anyos na racer ng ito ay nagpagulong-gulong sa Imperial Sand Dunes.

Walang suot na safety harness ang dalawa kung saan naka-lap belt lamang ang asawa nito.

Agad na nasawi si Marty habang dinala pa sa pagamutan ang asawa nitong si Nancy subalit hindi na rin nagtagal.

Naging pro racer si Marty sa edad 17 noong 1974 na nagwagi sa AMA 125cc National Motocross Championship.

Lumipat ito sa 500cc championship noong 1977 at doon lalo itong sumikat.

Nagretiro ito sa professional racing noong 1981 at aktibo sa pagiging coach ng motorcross.

Hinirang ito ng AMA Motorcycle Museum Hall of Fame noong 2000.