-- Advertisements --

Muling isusulong ng US ang panibagong ceasefire sa Gaza matapos ang pagpayag ng Israel ng ceasefire sa Hezbollah.

Sinabi ni US President Joe Biden, na kabilang sa kanilang isusulong ang pagpapalaya ng mga bihag at ang pagtanggal sa kapangyarihan ang mga militanteng grupo na Hamas.

Umaasa rin ang Hamas na tutugon din ang Israel gaya sa ginawa nila sa Hezbollah subalit tinatanggihan sila ng Israel.

Una ng sinabi ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na hindi sila titigil hanggang hindi mapanagot ang Hamas at tuluyang mawala ang nasabing grupo.