-- Advertisements --
image 349

Muling naglaan ng $1.3Billion na pondo ang Estados Unidos para sa Ukraine.

Ito ay bilang economic assisstance ng US sa nasabing bansa, na mahigit isang taon nang ginigipit ng Russia, simula umpisahan nito ang paglusob, Pebrero ng nakaraang taon.

Ayon kay US Secretary of State Anthony Blinken, ang nasabing halaga ay mangagaling sa pondong una nang inaprubahan ng US Congress.

Mula noong pumutok ang kaguluhan sa Ukraine, umabot na sa $63Billion ang halaga ng naipadalang tulong ng US sa nasabing bansa.

Mahigit $40Billion dito ay bilang mga armas at iba pang uri ng military support, habang ang iba ay gagamitin ng Ukraine sa pagsasaayos sa mga pasilidad nito na nasira dahil sa paglusob ng Russia.

Patuloy namang tinitiyak ng US ang pagbibigay nito ng tulong at suporta sa Ukraine, hanggang sa maibalik sa normal ang sitwasyon ng nasabing bansa.