Nagpadala pa ng helicopter ang US military sa Afghanistan upang e-rescue ang mahigit 160 Americans na hindi makapasok sa Kabul Airport gates.
Kinumpirma mismo ng mga opisyal ng Amerika ang mga operasyon ng paglikas mula sa Afghanistan na huminto ng halos pitong oras noong Biyernes, dahil napuno na ang Qatar base at hindi na tinatanggap ang mga evacuees.
Libu-libong mga Afghans ang handa nang lumikas patungong Amerika na naghihintay sa paliparan ng Kabul.
Ayon kay Major General Hank Taylor karga ng US aircraft ang 6,000 katao kasama na ang daan-dang mga US citizens sa loob ng 24 na oras.
Muling nagpapatuloy ang mga flight mula sa Kabul matapos naayos ang operasyon ng US sa Qatar para sa mga biyahe ng evacuees patungong US military base sa Ramstein, Germany. (with reports from Bombo Jane Buna)