-- Advertisements --

Muli naman nakaharang ang US ng Russian aircraft na nakapasok sa teritoryo ng Alaska.

Ayon sa North American Aerospace Defense Command, nakita ng kanilang F-22 fighter jets kasama ang KC-135 Stratotanker ay naharang nila ang dalawang Russian IL-38 maritime patrol aircraft na pumasok sa Alaskan Air Defense Identification Zone.

Dagdag pa nila na nasa 50 miles ng Unimak Island sa kahabaan ng Aleutian island chain ang napasok ng nasabing Russian aircraft.

Ito na ang pangatlong beses na nakaharang ang US ng mga Russian fighter jets na nakapasok sa kanilang teritoryo.