Muling iginiit ng US na nananatiling buo pa rin ang suporta nila sa Ukraine.
Sa pagbisita ni U.S. Secretary of State Antony Blinken sa Ukraine ay ipinarating nito kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky na nais ng US na manalo ang Ukraine laban sa Russia.
Para manyari ito ay hindi sila humihinto na magbigay ng tulong sa Ukraine.
Tutulong din aniya ang US sa Ukraine para maging miyembro na ito ng North Atlantic Treaty Organizaton o NATO.
Inaasahan din nito na matatapos ngayong buwan ang bilateral security agreement kung saan sa loob ng 10-year agreement ay susuportahan ng US ang defense and security ng Ukraine.
Magugunitang pinaigting ng Russia ang kanilang opensiba sa Ukraine kung saan inamin ng Ukraine na nagkukulang na sila ng mga tauhan at mahalaga na maibigay agad ng US at ilang bansa ang ipinangako nilang mga military aide.