-- Advertisements --
Nagpahayag ng pagkabahala na rin ang US sa pagsisiwalat ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na nagpapadala ang North Korea ng mga sundalo nito sa Russia.
Ayon sa White House na sakaling totoo ang nasabing usapin ay magpapalala ito ng tensiyon sa labanan ng Russia at Ukraine.
Ang nasabing hakbang aniya ito ng Russia ay nagpapakita ng isang pagiging desperado na ng Russia para talunin at sakupin ang Ukraine.
Magugunitang una ng itinanggi ng Russia ang nasabing usapin kung saan nagiging malapit lamang sila sa North Korea subalit hindi kailanman nila ito gagawin.
Una na ring ibinunyag ng US na nagsusuplay ang North Korea ng mga ballistic missiles sa Russia na itinanggi naman ng dalawang bansa.