-- Advertisements --

Ikinabahala umano ang US State Deparment ang ginagawang pananakot ng China sa kanilang kalapit na bansa na Tiawan.

Nanawagan si Ned Price, spokesman ng US State Department sa Beijing na sana ay tigilan na ng China ang military, diplomatic, at economic pressure sa Taiwan.

Sa halip aniya, nararapat aniyang makipag-dialogue na lamang ang China sa democratic officials ng Tawain.

tawain 2

Tiniyak pa ng Amerika, solido ang kanilang suporta sa Taiwan na unang pinagbentahan nila ng modernong US jets.

Ayon naman sa ilang analysts, normal na umanong magpalipad ng fighter jets sa rehiyon pero pambihira ang ginawa ng China na nagpadala pa ng 15 mga aircrafts sa dalawang magkasunod na araw.

Iniulat ng Taiwan Defense Ministry, kabilang sa pinalipad ng China na nagdulot ng pagkaalarma ay anim na mga J-10 fighters jets, dalawang SU-30s at ilan pang military planes.

Noong Sabado naman nagpakita rin ang China ng kanilang walong bombers at apat na fighters jets sa airspace na sakop ng Taiwan.

Samantala, hindi hindi rin naman nagpahuli ang Amerika at bumandera rin ang USS Theodore Roosevelt carrier team nitong nakalipas na linggo at pumarada sa South China Sea.

Para naman sa Amerika, ang pagpapayag ng nuclear powered na aircraft carrier ay bahagi pa rin daw ng “freedom of the seas.”