Nag-alok ng tulong ang Amerika para sa pagbangon ng bansa matapos ang pananalasa ng Bagyong Carina at Habagat.
Ginawa ang pahayag sa pagbisita ngayong araw nina US Secretary of state Anthony Blinken at US Defense Secretary Lloyd Austin sa bansa kung saan personal na iparating kay Pangulong Ferdinand Marcos jr ang kanilang pakikiramay at pakikidalamhati para sa mga Pilipinong nawalan ng mahal sa buhay at mga ari arian bunsod ng nagdaang bagyong carina at habagat.
Ayon pa kay Blinken, maituturing na makasaysayan ang araw na ito dahil unang beses na punong abala ang Pilipinas para sa 2 plus 2 ministerial dialogue isang high level engagement sa pagitan ng dalawang bansa.
Isa aniya itong matibay na patunay ng pagiging matatag na relasyon ng Amerika at Pilipinas kung saan saklaw ang malawak na usapin at layunin para sa pagpapahusay ng usaping pang ekonomiya at seguridad.
Samantala, Ipinaabot naman ni Austin ang pakikisimpatiya at binigyang diin sa pangulo na hindi lamang magka alyansa ang dalawang bansa kundi higit pa ay ang palaging pagiging pamilya ang turingan.
Ayon kay Austin, magkapareho ang values ng dalawang bansa, may parehong interes, at umaasang magpapatuloy pa ang pagiging magkatrabaho nila ng pangulo sa susunod na panibagong 3 hanggang apat na taong relasyon.
Nakatakdang lagdaan ngayong araw ang military intelligence sharing agreement sa pagitan ng pilipinas at amerika na lalagdaan nina Blinken at Austin at foreign affairs secretary Enrique Manalo at defense secretary Gilbert Teodoro jr.