-- Advertisements --
missiles marines
Video grab from U.S. Marines/@USMC

Inaprubahan ng US State Department ang panukalang posibleng payagan na bentahan ng mga arams ang Taiwan na tinatayang nagkakahalaga ng $2.2 billion.

Ayon sa Pentagon ang natirang hakabang ay sa kabila nang mahigpit na pagtutol ng mainland China sa deal.

Una nang nagbanta ang China Foreign Ministry na kapag itinuloy umano ang arms deal ay masisira ang bilateral ties ng dalawang bansa.

Kabilang umano sa mga armas na nais bilhin ng Taiwan ay 108 General Dynamics Corp M1A2T Abrams tanks at 250 mga Stinger missiles, mounted machine guns, ammunition, Hercules armoured vehicles, heavy equipment transporters at iba pa.

tanks US Marines
Video grab from U.S. Marines/@USMC

Sinasabing inabisuhan na rin daw ang US Congress sa posibeng arms sale.

Bago ito ang Amerika ang pangunahing arms supplier ng Taiwan kahit itinuturing ito ng China na isang ” renegade province.”