-- Advertisements --

Ikinagalit ng US ang pagpapakalat ng Russia ng mga maling impormasyon tungkol sa COVID-19 vaccine.

Ayon Global Engagement Center, isang sangay ng US na nagbabantay sa mga aktibidad ng mga foreign propaganda, na ang ginagawang ito ng Russia ay magdadala sa panganib sa mga buhay ng mga tao.

Ipinagkakalat kasi ng Russia na inaprubahan na ng US ang dalawang COVID-19 vaccine ng Russia.

Sinabi naman ni States Department spokesman Ned Price na isang lumang istilo na ang ginagawang ito ng Russia.

Sinisiraan din ng Russia ang bakuna na gawa ng US na Pfizer para mapaangat ang sarili nilang bakuna na Sputnik V.