Nagbabala ang Amerika na maaaring gamitin ng Russia ang biological weapons laban sa Ukraine.
Ito ay matapos na pasinungalingan ng US ang claims ng Russia na sinusuportahan ng Amerika ang bioweapons program nito sa Ukraine na senyales aniya na posibleng gamitin ng Moscow ang naturang weapons.
Ayon kay State Department spokesman Ned Price, intentional ang tahasang pagpapakalat ng Kremlin ng kasinungalingan na magsasagawa ang US at Ukraine ng chemical at biological weapon activities sa Ukraine.
Nag-iimbento lamang aniya ang Russia ng pretext o dahilan para sa tangkang majustify ang kanilang sariling marahas na aksiyon laban sa Ukraine.
Tinawag ni White House Press Secretary Jen Psaki na “preposterous” ang claims ng Russia at nakikitaan din ng kahalintulad na conspiracy theories mula sa Chinese officials.
Ngayon gumagawa aniya ang Russia ng flase claims, kailangan na mapaghandaan ang posibleng paggamit ng chemical o biological weapons sa Ukraine o ang pagbuo ng false flag operation para magamit ang naturang weapons.
Noong Marso 6, sinabi ng Moscow foreign Ministry na may nadiskubre umanong ebidensiya ang Russian forces na binubura ng Kyiv ang mga palatandaan ng military-biological program sa Ukraine na pinopondohan umano ng Amerika.