-- Advertisements --

Nagbabala ang US na kanilang pipigilan ang pagbubukas ng pangunahing pipeline na kumukonekta sa Russian gas at Western Europe.

Ang nasabing pagbabanta ng US ay kapag itinuloy ng Russia ang pag-atake sa Ukraine.

Ang Nord Stream 2 ay dumadaloy mula Russia patungong Germany.

Sinabi ni US state department spokesman Ned Price na ito ang kanilang matinding babala kapag itinuloy ng Russia ang pag-atake.

Ang nasabing pagbabala ng US ay isa lamang sa banta kasama ang kaalyadong bansa nila na kanilang pupuntiryahin ang ekonomiya ng Russia kapag itinuloy ang anumang pag-atake sa Ukraine.

Mariing pinabulaanan naman ng Russia ang alegasyon na aatakihin nila ang nasabing Ukraine.