Nagbibigay ng karagdagang P950 milyon o humigit-kumulang $19 milyon na tulong ang Estados Unidos sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Odette (Rai) sa Central Visayas at Mindanao.
Ayon kay embassy Chargé d’Affaires (CDA) Heather Variava, ang karagdagang tulong na ito ay makakatulong sa paghahatid ng mga food at hygiene supplies; magbigay ng life-saving support sa mga higit na nangangailangan.
Ang bagong tulong mula sa Washington, na dadalhin sa USAID, ay nagdala ng kabuuang suporta ng US para sa Pilipinas sa mahigit P1 bilyon o $20.2 milyon.
Sa ngayon, ito ang pinakamalaking tulong na ibinigay ng ibang bansa sa mga apektadong komunidad.
Sa tulong na ito, ang US ay magbibigay ng tulong sa pagkain, tubig, hygiene, at mga programa sa kalinisan at tulong sa tirahan upang matugunan ang mga pang-emerhensiyang pangangailangan at tulungan ang mga apektadong komunidad gaya ng muling pagtatayo ng kanilang mga tahanan.