-- Advertisements --

Nagbigay ang US government ng P12 milyon halaga ng distance learning equipment sa Department of Education (DepEd).

Ang nasabing mga gamit na ibinigay ay gagamitin sa Alternative Learning System (ALS) e-Skwela Learning centers.

Ipinasakamay ni US Agency for International Development (USAID) Acting Mission Director Sean Callahan ang nasabing donasyon kay DepEd ALS Assistant Secretary G.H. Ambat at Legazpi City Mayor Noel Rosal.

Ilan sa mga equipment ay kinabibilangan ito ng desktop units, printers, projectors, wireless routers at iba pang mga materyales para sa ALS learners.

Ilang mga nakatanggap ng mga donasyon na E-Skwela Centers sa Cagayan de Oro, General Santos, Angeles City, Legazpi City at Davao.

Mula pa noong Hunyo 2021 ay mayroon ng 16,000 na mga out-of-school youth ang nakinabang sa bagong ALS modules kung saan mahigit 2,500 ALS teachers at implementers ang kanilang tinuruan.