Patuloy na minomonitor ng US ang naganap na lindol sa Taiwan.
Sinabi ni National Security Council spokesperson Adrienne Watson na kanilang binabantayan ang maaring epekto nito sa Japan.
Tiniyak naman nito na handa silang magpaabot ng tulong sa Taiwan kung kinakailangan.
Patuloy pa rin ang ginagawang search and rescue ng mga otoridad sa mahigit 100 katao na hindi nakalabas matapos ang pagguho ng dalawang minahan sa Huallien.
Nagtala naman ng 29 na aftershocks na may lakas na magnitude 4 malapit sa epicenter ng lindol sa silangang bahagi ng Taiwan.
Ayon naman sa Central Emergency Command Center ng Taiwan na nananatiling walang suplay ng kuryente ang mahigit 91,000 na kabahayan.
Magugunitang nasa siyam katao ang nasawi sa pagtama ng magnitude 7.4 na lindol sa Taiwan kung saan ito na ang pinakamalakas na tumama matapos ang 25 taon.