-- Advertisements --

Nagpatupad ng mas mahigpit ng panuntunan sa pagbiyahe ang US matapos ang pagkakatala ng kaso ng Omicron variant ng COVID-19.

Ayon kay US President Joe Biden na ang mga magtutungo sa US kabilang ang mga Americans ay dapat sumailalim sa COVID-19 testing isang araw bago ang biyahe anumang vaccination status nila.

Ang mga gumaling na sa COVID-19 ay dapat magpakita ng “proof of recovery”.

Ipinag-utos din ng US President ang pagsusuot ng facemasks sa eroplano, trains at buses ng hanggang Marso.

Aabot na kasi sa 10 kaso ng Omicron variant ang nakita sa US na ito ay nadiskubre sa California, Minnesota, Colorado, New York at Hawaii.

Base sa pagsisisyasat ng mga health experts sa US na nagkaroon lamang ng mga katamtaman na sintomas ang mga nagpositibo sa nasabing variant ng COVID-19.