-- Advertisements --
Naghihintay pa rin ng kasagutan ang US mula sa Israel sa ginawang madugong airstrike sa northern Gaza na ikinasawi ng 93 mga Palestino.
Sinab ni State Department spokesperson Matthew Miller , na kanilang tinawagan ang ilang opisyal ng Israel subalit nananatiling blanko pa rin ang mga ito.
Itinuturing ni Miller na isang nakakabahala ang insidente dahil karamihan sa mga nasawi ay mga bata.
Dahil sa walang paliwanag ang Israel ay naglunsad na sila ng imbestigasyon ukol sa nasabing insidente.
Paglilinaw naman nito na sinusuportahan ng US ang legal na pag-atake ng Israel sa mga Hezbollah basta walang madamay na mga sibilyan.