-- Advertisements --

Dinala ni Coco Gauff ang US para sila ay makalamang sa United Cup title.

Tinalo kasi ng US tennis star si Iga Swiatek sa score na 6-4, 6-4 isang linggo bago ang pagsisimula ng Australian Open.

Ang world number 3 na si Gauff ay dalawang magkasunod na panalo laban kay Swiatek.

Ito na ang pangalawang titulo ng US sa loob ng tatlong taon na magsimula ang United Cup noong 2023.

Sa men’s finals kasi ay tinalo ni Taylor Fritz si Hubert Hurkacz ng Poland para makuha ang 2-0 na panalo.

Ang laban ni Gauff ang inabangan dahil sa hindi nabigo ang mga fans sa loob ng mahigit na dalawang oras.