-- Advertisements --

Inanunsiyo ng administrasyong ni US President Joe Biden ang pinaplantsang plano na maglaan ng $3.2 billion para sa development at pagtuklas ng antiviral treatment laban sa COVID-19.

Tinawag na Antiviral Program for Pandemics ang naturang plano kung saan manggagaling pondo mula sa American Rescue Plan na $1.9 trillion.

Makakatulong ang naturang plano na malinang ang clinical testing sa oral antiviral pills na kasalukuyang sumasailalim sa stages of development gaya ng Merck’s Malnupiravir, gayundin ng Pfizer at Roche.

Ayon kay US chief medical advisor on the pandemic Dr. Anthony Fauci, mahalaga ang antivirals bilang dagdag proteksyon sa mga existing vaccines lalo na sa mga indibidwal na mayroong COVID-19. (with reports by Bombo Everly Rico)