-- Advertisements --

Naglabas ang United States Indo-Pacific Command ng mga larawan sa pagdaan ng Carrier Strike Group One sa Surigao Strait.

Ang makipot na bahagi ng karagatan ay nasa pagitan ng Leyte at Mindanao.

Ang Carrier Strike Group One ay binubuo ng Nimitz-class aircraft carrier USS Carl Vinson (CVN 70), USS William P. Lawrence (DDG 110), USS Sterett (DDG 104), at USS Princeton (CG 59).

Batay sa inilabas na larawan ng naturang command, nasa strike formation ang mga warship habang dumadaan sa naturang katubigan.

Ang mga ito ay patungo sa West Philippine Sea (WPS).

Bagaman wala pang gaanong inilabas na impormasyon ukol dito, naglagay naman ang INDOPAC ng caption na ‘Free And Open Indo Pacific’, kasabay ng pasasalamat sa mga sundalo nito dahil sa kanilang nagpapatuloy na commitment at sakripisyo lalo na ngayong holiday season.